Tuesday, December 9, 2008
Bagama't kinikilalang mang-mang, atrasado, palyado, (mabagal) at kung anu-ano pang kakilanlan ang katutubo sa Gitnang Mindanaw na Erumanen ne Menuvu` ay patuloy pa ring nagbabaka ng kanilang hinaharap sa kabila ng kahirapan bunga ng pananakop at pangangamkam ng kanilang mga lupain at mga pamayanan. Ang naturang tribo ay isa sa 23 na mga katutubo (lumad) sa Mindanaw na hindi nasakop ng Islam at Kastila. Naniwala ang mga Erumanen ne Menuvu` na sila ay kaliwatan ni Tebunawey ayon sa talasila o tarsila (kwentong bibig). Naniwala din ang mga Erumanen ne Menuvu` sila ang mga lipi ni Apu` Agyu, ang unang nakipaglaban sa Islamization ayon sa epikong Ulehingan.
Unti-unti bumago ang takbo ng kanilang pamumuhay ng ginawa ng Amerikano ang Sayre Highway na nag-uugnay sa Cotabato at Bukidnon noong 1920s. Nagbago rin ang takbo ng kanilang buhay ng dumating ang mga Amerikanong gumawa ng mga boarding school. Pinaghuhuli at pilit na pinapaaral ang mga kabataang Erumanen na parang bilanggo sa loob ng boarding schools. Sa loob ng naturang boarding schools ay pinilit silang magsalita ng English at mag-ugaling Amerikano.
Pamamagitan ng Sayre Highway ay dumating ang mga dayuhan mula Visayas (Bohol'anon, Cebuano, Ulonggo, Waray, atbpa.) at Luzon (Ilocano, Kapampangan, Batangueno, atbpa.) at ipinamigay ng gobyerno ang mga lupain ng mga katutubo. Ang mga magagandang bahagi ng kanilang teritoryo ay kinamkam ng gobyerno at ginawang mga pataniman o pastolan gaya ng Bureau of Plant Industry (BPI), Philippine Coconut Authority (PCA) at Bureau of Animal Industry (BAI) sa teritoryo ng mga Erumanen ne Menuvu` sa Barangay Aroman, Carmen 9408, Cotabato.
...........................itutuloy..................................
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment